
Favorite Spot | Effy Calingao
Open Edition with a Fotomoto Certificate of Authenticity.
8 x 10in Pigment Print on Hahnemuehle Photo Rag.
-
Tatlong beses ako lumipat ng bahay simula ng pandemya. At mahigit labintatlo, kung susumahin pati noong nagsimula akong makipagsapalaran dito sa Maynila. Lagi akong naghahanap ng magandang lugar. Sa ngayon, pinakagusto ko itong tinutuluyan ko. Madalas akong nasa bintana. Nakatingala. Naghihintay. Nagpapalipas oras. Marahil ganito lang ang magagawa mo talaga, kung karamihan sa atin ay nasa loob lang ng bahay. Pinagmamasdan ang kaulapan maghapon, habang ang mundo naman ay gumuguho at nagkakawatak watak. Masuwerte ako, at mayroon akong nakitang pansamantalang sandalan. At kahit sa maliit na paraan—ang tumunganga sa kawalan—ay nakakahanap ako ng pag-asa. Sana ganun din ang iba.